Tala ng mga Internet top-level domain
Itsura
(Idinirekta mula sa .ax)
Ito ang tala ng mga kasalukuyang mga Internet Top-level domain (TLD). Tingnan top-level domain para sa impormasyon tungkol sa konsepto.
Habang dapat na tama ang sumusunod na tala, mayroong mas malawak na tala sa websayt ng IANA. (Hindi kasama sa tala ng IANA ang .root, na nagkaroon lamang sa pamamagitan ng isang second-level domain.)
| iTLD | Entidad | Mga tanda |
|---|---|---|
| .arpa | Address and Routing Parameter Area | Ito ang imprastraktura ng internet ng TLD. |
| .root | (hindi kailangan) | Diagnostikong pang-marka para mapakitang hindi nabawasan ang karga ng isang ugat na sona. |
| gTLD | Entidad | Mga tanda |
| .aero | industriya ng transportasyong panghimpapawid | Kailang matiyak kung karapat-dapat ang pag-rehistro; iyon lamang nasa iba't ibang mga kategorya na may kaugnayan sa paglalakbay sa himpapawid na mga entidad ang maaaring magrehistro. |
| .asia | Rehiyon ng Asya-Pasipiko | Ito ang TLD para sa mga kompanya, organisasyon, at mga indibidwal na nakabase sa rehiyon ng Asia, Australia at ang Pasipiko. |
| .biz | Mga negosyo | Bukas na TLD ito; pinapahintulutang magrehistro ang sinumang tao o entidad; bagaman, maaaring hamunin ang rehistro sa kalaunan kung hindi ito pangkalakalan (commercial) na entidad sang-ayon sa kasulatan ng dominyo. |