Pumunta sa nilalaman

Tala ng mga Internet top-level domain

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa .cr)

Ito ang tala ng mga kasalukuyang mga Internet Top-level domain (TLD). Tingnan top-level domain para sa impormasyon tungkol sa konsepto.

Habang dapat na tama ang sumusunod na tala, mayroong mas malawak na tala sa websayt ng IANA. (Hindi kasama sa tala ng IANA ang .root, na nagkaroon lamang sa pamamagitan ng isang second-level domain.)

iTLDEntidadMga tanda
.arpaAddress and Routing Parameter AreaIto ang imprastraktura ng internet ng TLD.
.root(hindi kailangan)Diagnostikong pang-marka para mapakitang hindi nabawasan ang karga ng isang ugat na sona.
gTLDEntidadMga tanda
.aeroindustriya ng transportasyong panghimpapawidKailang matiyak kung karapat-dapat ang pag-rehistro; iyon lamang nasa iba't ibang mga kategorya na may kaugnayan sa paglalakbay sa himpapawid na mga entidad ang maaaring magrehistro.
.asiaRehiyon ng Asya-PasipikoIto ang TLD para sa mga kompanya, organisasyon, at mga indibidwal na nakabase sa rehiyon ng Asia, Australia at ang Pasipiko.
.bizMga negosyoBukas na TLD ito; pinapahintulutang magrehistro ang sinumang tao o entidad; bagaman, maaaring hamunin ang rehistro sa kalaunan kung hindi ito pangkalakalan (commercial) na entidad sang-ayon sa kasulatan ng dominyo.
.catCatalanIto ang TLD para sa mga websayt sa Wikang Catalan o may kaugnayan sa kulturang Catalan.
.compangkalakalan (commercial)Bukas na TLD ito; pinapahintulutan magrehistro ang kahit na sinong tao o entidad.
.coopMga kooperatibaLimitado lamang ang TLD na ito sa mga kooperatiba na batay sa Mga prinsipyong Rochdale.
.eduedukasyonalLimitado ang TLD na ito sa mga institusyon ng edukasyon (karamihan sa Estados Unidos), katalad ng mga kolehiyo at pamantasan.
.govpang-pamahalaanLimitado ang TLD na ito sa mga pamahalaang entidad at ahensiya ng Estados Unidos (karaniwan sa antas pederal).
.infoimpormasyonBukas na TLD ito; pinapahintulutan magrehistro ang kahit na sinong tao o entidad.
.intinternasyunal na mga organisasyonMahigpit na limitado ang .int na TLD sa mga organisasyon, tanggapan, at programa na iniindorso ng isang kasunduan sa pagitan ng dalawa o higit pa na mga bansa.
.jobs