Tala ng mga Internet top-level domain
Itsura
(Idinirekta mula sa .ye)
Ito ang tala ng mga kasalukuyang mga Internet Top-level domain (TLD). Tingnan top-level domain para sa impormasyon tungkol sa konsepto.
Habang dapat na tama ang sumusunod na tala, mayroong mas malawak na tala sa websayt ng IANA. (Hindi kasama sa tala ng IANA ang .root, na nagkaroon lamang sa pamamagitan ng isang second-level domain.)
| iTLD | Entidad | Mga tanda |
|---|---|---|
| .arpa | Address and Routing Parameter Area | Ito ang imprastraktura ng internet ng TLD. |
| .root | (hindi kailangan) | Diagnostikong pang-marka para mapakitang hindi nabawasan ang karga ng isang ugat na sona. |
| gTLD | Entidad | Mga tanda |
| .aero | industriya ng transportasyong panghimpapawid | Kailang matiyak kung karapat-dapat ang pag-rehistro; iyon lamang nasa iba't ibang mga kategorya na may kaugnayan sa paglalakbay sa himpapawid na mga entidad ang maaaring magrehistro. |
| .asia | Rehiyon ng Asya-Pasipiko | Ito ang TLD para sa mga kompanya, organisasyon, at mga indibidwal na nakabase sa rehiyon ng Asia, Australia at ang Pasipiko. |
| .biz | Mga negosyo | Bukas na TLD ito; pinapahintulutang magrehistro ang sinumang tao o entidad; bagaman, maaaring hamunin ang rehistro sa kalaunan kung hindi ito pangkalakalan (commercial) na entidad sang-ayon sa kasulatan ng dominyo. |
| .cat | Catalan | Ito ang TLD para sa mga websayt sa Wikang Catalan o may kaugnayan sa kulturang Catalan. |
| .com | pangkalakalan (commercial) | Bukas na TLD ito; pinapahintulutan magrehistro ang kahit na sinong tao o entidad. |
| .coop | Mga kooperatiba | Limitado lamang ang TLD na ito sa mga kooperatiba na batay sa Mga prinsipyong Rochdale. |
| .edu | edukasyonal | Limitado ang TLD na ito sa mga institusyon ng edukasyon (karamihan sa Estados Unidos), katalad ng mga kolehiyo at pamantasan. |
| .gov | pang-pamahalaan | Limitado ang TLD na ito sa mga pamahalaang entidad at ahensiya ng Estados Unidos (karaniwan sa antas pederal). |
| .info | impormasyon | Bukas na TLD ito; pinapahintulutan magrehistro ang kahit na sinong tao o entidad. |
| .int | internasyunal na mga organisasyon | Mahigpit na limitado ang .int na TLD sa mga organisasyon, tanggapan, at programa na iniindorso ng isang kasunduan sa pagitan ng dalawa o higit pa na mga bansa. |
| .jobs | mga kompanya | Nakadisenyo ang TLD na ito na maidagdag pagkatapos ng mga pangalan ng mga nakatatag na mga kompanya na may mga trabahong ipatatalastas. Sa ngayon, hindi pinapahintulutan ang mga may-ari ng isang dominyong "kompanya.jobs" na maglathala ng mga trabaho ng ibang kompanyang third-party. |
| .mil | Militar ng Estados Unidos | Limitado ang TLD na ito sa pagamit ng Militar ng Estados Unidos. |
| .mobi | mga kagamitang mobayl (mobile devices) | Kailangang gamitin ito para sa sayt na mobile sang-ayon sa mga pamantayan. |
| .museum | museo | Kailangang tiyaking bilang isang lehitimong museo. |
| .name | mga indibidwal, sang-ayon sa pangalan | Bukas na TLD ito; maaaring magrehisto kahit sinumang tao o entidad; bagaman, maaaring hamunin ang rehistro sa kalaunan kapag napatunayan hindi sila indibidwal (o mga may-ari ng karakter na kathang-isip) sang-ayon sa kasulatan ng dominyo. |
| .net | network | Bukas na TLD ito; pinapahintulutan magrehistro ang kahit na sinong tao o entidad. |
| .org | organisasyon | Bukas na TLD ito; pinapahintulutan magrehistro ang kahit na sinong tao o entidad. |
| .pro | Mga propesyon | Sa kasalukuyan, nakareserba ang .pro sa mga lisensiyadong mga doktor, abogado, at certified public accountants lamang. Kailang magbigay ng nararapat na kredensiyal ang mga propesyonal na nagnanais na magrehistro ng .pro na dominyo. |
| .tel | Mga serbisyong komunikasyon pang-Internet | |
| .travel | Mga sayt sa paglalakbay at mga kaugnay na turismong industriya | Kailangang matiyak kung isang lehitimong entidad ng paglalakbay. |
| ccTLD | Bansa/dependensiya/rehiyon | Mga tanda |
| .ac | Ascension Island | |
| .ad | Andorra | |
| .ae | United Arab Emirates |