Salaysay
Itsura
- Huwag itong ikalito sa salaysalay, mananalaysay, salay, at sanaysay.
Ang salaysay, kuwento, o istorya ay anumang paglalahad ng isang serye ng magkakaugnay na mga pangyayari o mga karanasan,[1][2] kahit na ito pa ay hindi kathang-isip (talaarawan, talambuhay, ulat ng balita, dokumentaryo, panitikan sa paglalakbay, atbp.) o kathang-isip (kuwentong bibit, pabula, alamat, katatakutan, nobela, atbp.).[3][4][5] Maaring ipahayag ang kuwento sa pamamagitan ng isang magkakasunod na mga salitang sinulat o sinabi, mga larawan o gumagalaw na larawan (bidyo), o anumang kumbinasyon ng mga ito. Tinatawag din ito na naratibo na hango sa pandiwang Latin na narrare (magsabi), na hango mula sa pang-uri na gnarus (marunong o sanay).[6][7] Kasama ng